Loading...

Breaking News

Ending ng Got to Believe ginaya sa Spiderman; minadali ang pagtatapos kaya bitin ang fans.

GRABE ang best ending ever ng Got To Believe noong Biyernes dahil nag-trending ito worldwide, ganu’n pala talaga kalakas at karami ang KathNiel supporters sa buong mundo!

Medyo bitin kami dahil parang marami pa sanang dapat mangyari pagkatapos tanggapin ni Chichay (Kathry Bernardo) ang marriage proposal ni Joaquin (Daniel Padilla).

Nagtapos ang GTB  habang ipinapakita ang bloopers simula nu’ng nag-umpisa ang nasabing palabas mula sa direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano.

Napanood na namin ang istilo ng proposal ni Joaquin kay Chichay dahil ginaya yun sa pelikulang “Spiderman” ni Tobey Maguire bilang si Peter Parker noong ipagtanggol niya si Kirsten Dunst at saka hinalikan ng dalaga.

Ang pagkakaiba ng kina Joaquin at Chichay ay kagat-kagat ng binata ang singsing saka nagtanong ng, “Will you marry me?” habang nag-iiyak ang aktres sa takot na baka maaksidente ang lalaking minamahal.
Kakuntsaba ni Joaquin ang tatay ni Chichay na si Papa Bear (Benjie Paras) at mga kaibigan nito na siyang umaalalay sa harness ng binata.

Minadali ba ang pagtatapos ng G2B dahil nga kapos na sila sa panahon bukod pa sa paalis ang aktor para sa series of shows nito sa Europe kasama si Yeng Constantino?

Mas naging magical pa nga ang ending ng magulang ni Joaquin na sina Carmina Villaroel bilang si Juliana at Ian Veneracion bilang si Jaime dahil nagpakasal sila pagkatapos ng ilang taon.

Samantala, mukhang naiinip kaagad ang fans nina Daniel at Kathryn dahil gusto na nilang gawin na kaagad ng dalawa ang pelikulang “She’s Dating The Gangster” sabi nga ng taga-production ng G2B, “Puwedeng huminga muna?”

Written by: Reggee Bonoan

No comments