Loading...

Breaking News

Heart Evangelista mas tinututukan ang serye "Got to Believe" kumpara sa Carmela ni Marian Rivera.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin sa social media ang kapuso aktres na si Heart Evangelista dahil sa kanyang mga naipost sa kanyang Instagram account.

Nuong Pebrero 24 ay nagpost ito ng “I'm kinda Kilig with #GotToBelieve ❤.” pero may ilang netizens ang pumalag sa kanyang naipost.


Hindi lang siguro mga fans ni Marian ang nagbigay kulay ng kanyang mga nai-post pati na rin ilang netizens dahil alam naman natin na katapat ng Got to Believe ang serye ni Marian Rivera na Carmela.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan sa pagitan nila Heart at Marian pero ayon sa report hindi magkaibigan at hindi naman magkaaway ang dalawa.

May ilan din pumuna na bakit pa daw kinakailangan ipagsigawan na kinikilig ito gayun nasa kapuso network sya, sey din ng ilan mas maganda daw panuorin ang Got to Believe kaysa sa Carmela.

Sana matapos na ang isyung ito dahil habang tumatagal ay lalong lumalaki ang bangayan, may insidente pa nga na nagpost si Heart sa kanyang Instagram na cover sya at cover din si Marian dahil dito ay napilitan ang aktres na burahin ang naturang litrato na nagpa aning sa ilang netizens.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments