Loading...

Breaking News

Kapuso Hunk Actor Martin Del Rosario Admits He is the Man on the Nude Viral Photo.

Ngayong taon maraming scandal ang naglalabasan sa social media na tinatangkilik at pinagpyepyestahan naman ng ilang netizens.

Sa isang photo scandal na nag viral online inamin ng dating kapamilya aktor na si Martin del Rosario na siya ang nasa litratong lumabas kamakailan lang.

Sa kanyang naging panayam sa Philippine Entertainment Portal pinag-usapan ang kumalat na hubad nyang larawan sa internet at inamin nya na siya ito.

Narito ang kanyang naging panayam sa Philippine Entertainment Portal:

Dito ay direkta naming tinanong si Martin tungkol sa kumakalat na larawan diumano niya. Hiningi muna namin ang pahintulot niya kung puwede ba naming pag-usapan ang tungkol sa viral nude photo. Ipinakita rin namin sa kanya ang nasabing larawan na naipadala sa aming tanggapan.

Saad ni Martin, “Well, mukha ko ‘yan... sando ko ‘yan, alam ko. “Una, hindi ko alam kung sino yung kumuha or hindi ko maalala yung moment na ‘yan.

“Hindi ko alam kong sino yung mga kasama ko nung kinuha ‘yan. Hindi ko alam kung totoo tuloy. “Ibig sabihin, pinagdudahan ko yung picture mismo.”

Dagdag niya, “Pero kita ko yung sarili ko, e. “Pero may nakita akong mga blur-blur, pero hindi ko na tuloy sure, since hindi ko matandaan yung moment na ‘yan. Kung edited ba siya or ano.”

Inusisa ulit namin siya tungkol sa kabuuan ng larawan. Aniya,

“Kung ako man ‘yan, siguro hindi ako naging maingat, e. Hindi ko rin naman alam na nakunan ako.

“Siguro normal lang naman na… wala naman akong ginagawa diyan.

“Siguro naglalakad lang ako na talagang walang ano [brief], tapos nakunan ako.

“Tapos, I learned my lesson, dapat mag-ingat ako next time.”

GIFTED MARTIN? 

Base sa kumalat na larawan, sinasabi ng mga nakakita nito na 'gifted' si Martin. Natawang reaksiyon ng aktor tungkol dito,

“Depende sa mga taong makakakita diyan! “E, ganun talaga. Ako, na-disappoint ako kasi nag-iingat naman talaga ako. “Siguro nagkulang lang siguro ako sa pag-iingat that time.

“Matagal na siguro ‘yan. “Hindi ko naman kinunan yung sarili ko. Parang aksidente na may kumuha. “At hindi ko rin maalala kung sino yung kumuha, kung saan yung lugar, so yun. 

So, siya ba talaga yung nasa larawan? Kinukumpirma ba niyang siya ang lalaking naka-sando at walang suot na pang-ibaba?

Nakangiting sagot ni Martin, “Ako ‘yan, e! Kita ko. “Kaso lang, medyo nagtataka ako, kasi parang may mali-mali, so hindi ko alam kung anong ginawa ko.”

Ulit niya, “Pero ako ‘yan. Oo, ako ‘yan.”

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments