Loading...

Breaking News

Battle of the Primetime: Magpahanggang Wakas vs Alyas Robin Hood (Kantar Media Week 1)

Parehong nagsimula noong Setyembre 19 ang magkatapat na programa na Magpahanggang Wakas at Alyas Robin Hood pero ano nga bang programa ang wagi sa pinoy viewers.

Wagi sa puso ng pinoy viewers ang bagong teleserye nang ABS-CBN na Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan nila John Estrada, Arci Munoz at Jericho Rosales laban sa Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.

Nakapagtala ng 25.1% na ratings ang pilot episode nang Magpahanggang Wakas laban sa 19.3% ng Alyas Robin Hood ito ay base sa datos mula sa Kantar Media.

Samantala bago pa umere ang Alyas Robin Hood ng GMA umani na kaagad ito ng batikos dahil diumano ginaya lang daw ito sa Arrow.

Pinagtawanan din ng ilang netizens ang naging ganap na mga eksena sa serye ni Dingdong dahil kapansin-pansin na minadali at walang budget ang nasabing kapuso drama.

Tuloy ang pamamayagpag ng Magpahanggang Wakas sa unang linggo nito kumpara sa Alyas Robin Hood.

Kantar Media Nationwide TV Ratings

September 19 - Magpahanggang Wakas - 25.1% vs Alayas Robin Hood - 19.3%
September 20 - Magpahanggang Wakas - 26.8% vs Alayas Robin Hood - 22.1%
September 21 - Magpahanggang Wakas - 26.5% vs Alayas Robin Hood - 21.9%
September 22 - Magpahanggang Wakas - 26.7% vs Alayas Robin Hood - 21.2%

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments