Loading...

Breaking News

Heart Evangelista inasar-asar si Marian Rivera, Got to Believe ng ABS-CBN ang sinuportahan.

FANS of Marian Rivera are very defensive about their idol.Napapansin naming they really go out of their way para ipagtanggol ang kanilang idol. Talagang halos i-bash na nila ang sinumang celebrity na sa tingin nila ay nagpatutsada o nagparinig sa kanila.

Of late, si Heart Evangelista ang object of ire nila. When the Kapuso actress posted this message, “I’m kinda Kilig with #GotToBelieve ?,” on her Twitter account, Marian fans took it to mean as a direct swipe to their idol.

Kasi naman, magkatapat ang show ni Marian at nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Marian supporters felt that Heart is openly opposing their idol by glaringly saying na pinanonood niya ang Kathryn-Daniel teleserye.

Para na rin daw nitong binatos ang mother network niya. Bakit, ano ba ang gusto nila, sila ang masunod sa kung ano ang dapat panoorin ni Heart? Ano sila sinusuwerte?

Ang isa pang napansin namin sa mga tagahanga ni Marian ay masyado silang ballistic sa pagtatanggol sa kanila idol. Parang gusto na nilang patayin ang mga kumakalaban sa aktres.

It was as if kinakawawa ang kanilang idolo. At ubod ng sama ang mga sinasabi nila kapag nasulat nang hindi maganda si Marian, talagang kung anu-anong masasamang salita ang itinatawag nila.

Just wondering, paano kaya sila pinalaki ng kanilang ina at ganyan na lang kasama ang kanilang dila? Naku, tiyak na marami na naman ang magagalit na fans ni Marian sa amin.
But we really don’t CARE. Hindi kami natatakot sa kanila, ‘no!

Written by: Alex Brosas

No comments