Loading...

Breaking News

Suspense serye na "Rhodora X" ni Jennylyn Mercado nakapagtala ng pinaka mababang ratings na 9.6%.

Maraming nagtataka kung bakit malamya na ang GMA Telebabad dahil nga ba ito sa sa mga lumang pelikula na ipinalabas nila at umere ng tatlong linggo.

Kaya nga ba nahihirapan ang GMA Network na maibalik ang sigla ng kanilang mga telebabad shows kaya mababa ang nakukuha nitong ratings mapa AGB Nielsen man o Kantar Media ay talo sila ng katapat nitong mga programa.

Meron nga bang pagkukulang ang network kung bakit sadsad ang nakukuhang ratings ng mga telebabad programs ngayon.

Ayon sa Kantar Media nakapagtala ng pinaka mababang ratings ang serye ni Jennylyn Mercado na Rhodora X na umabot ng 9.6% nuong January 28, at 9.7% naman nuong February 10.

Nakapagtala naman ang Rhodora X ng 14% ito ang pinakamataas na nakuha ng naturang programa nuong January 30 sa ngayon nasa ikatlong linggo na ito sa ere.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments