Loading...

Breaking News

Serye ni Marian Rivera na Carmela nakakuha ng pinaka mababang ratings na 12.4%.

Sobrang lamya ngayon ng mga programa sa GMA Telebabad dahil kapansin-pansin na mababa ang nakukuha nitong ratings mapa AGB Nielsen man o Kantar Media.

Walang nagawa ang tinuturing Telebabad Queen na si Marian Rivera dahil kahit umere na ang kanyang serye ay hindi nakahatak pataas ang iba pang mga programa.

Sey nga ng ilan mabuti pa daw ang serye ni Carla Abellana na My Husband Lovers kahit nasa 3rd slot ito ay mataas ang nakukuhang ratings at nakatulong ito sa telebabad.

Ang programang Carmela kasi ang mahalaga sa tatlong umere na mga programa nuong January 27 dahil matatandaan na todo promote ang kapuso station sa serye ni Carmela kumpara sa Rhodora X at Paraiso Ko Ikaw.

Kahit nga ang writer na si Suzette Doctolero ay hindi nagawa makapag status ng ratings ano pa't aktibo ito sa social media.

Base sa datos mula sa Kantar Media nakakuha ang serye Carmela ng 12.4% na ratings nuong January 28 at 15.8% naman ang pinakamataas na ratings na nakuha nito.

Kung magbabago ang desisyong ng GMA Management na ilagay ang Carmela sa 3rd slot baka umiba ang ihip ng hangin ano pa't Queen vs Queen ang labanan.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments