Loading...

Breaking News

Teleserye kinakikiligan na "Got to Believe" magtatapos na sa Marso.

Nasa ikalawang aklat na o book 2 ang teleserye Got to Believe na mas kinakikiligan ng mga pinoy viewers kumpara sa katapat nitong programa na Carmela.

Kilig to the much talaga ang mga avid viewers sa mga nakakakilig na mga eksena sa serye "Got to Believe" kaya naman mas kaabang-abang at mas lalong gumaganda ang istorya nito.


Malapit na din malaman ang mga rebelasyon na dapat malaman ng mga fans dahil kakaibang twist ang mapapanuod nila sa mga susunod na mga araw.

Ayon sa nakuha naming impormasyon malapit na magtapos ang teleserye "Got to Believe" na pinagbibidahan nila Primetime Prince at Princess na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nagsimula ang "Got to Believe" nuong August 26, 2013 at kung hindi magbabago at ma-eextend nakatakda itong magtapos sa susunod na buwan.

Mahigit pitong buwan (7 months) ang serye "Got to Believe" dahil sa Marso 7 ito magtatapos ibig sabihin nakadalawang season mahigit ito.

 Marami na din programa ang napataob nito at consistent na mataas ang ratings nito mapa AGB Nielsen man o Kantar Media ay panalo ito.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments