Serye ni Jolina Magdangal at Jane Oineza talunan pa rin sa ratings!
Ayon sa pinakahuling datos na nakalap ng Kantar Media Philippines nanatiling talunan sa ratings ang mga serye na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal at Jane Oineza na Flor de Liza at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?
Simula nang magsimula ang Flor de Liza at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? noong January 12 2015. Hindi pa rin nanalo sa Nationwide TV Ratings ang mga programa ng Kapamilya Gold.
Hito ang ratings ng Flor De Liza at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita noong January 12 2015 base sa datos na nakalap ng Kantar Media Philippines. Nakakuha ang Flor de Liza ng 9.7 percent laban sa nakuha ng The Half Sisters na 14.9 percent, habang ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita nakakuha ng 8.9 percent kumpara sa Yagit na nakakuha ng 11.6 percent.
Noong March 26 2015 wala pa ring pagbabago sa ratings nanatiling talunan ang mga naturang serye, ang Flor de Liza nakuha lamang ng 11.6 percent kumpara sa The Half Sisters na nakakuha ng 18.5 percent. Habang ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita nakakuha rin ng 11.7 kumpara sa Yagit na nakakuha ng 15.5
Habang tumatagal patuloy na nakakatangap ng bagsak na marka ang Flor De Liza at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Kapansin-pansin rin na binawasan ang airing time ng dalawang program, dapat kasi magsisimula na ang Flor de Liza ng 2:30PM pero may pagkakataon na 2:45 na ito naguumpisa at natatapos ng 3:15PM.
Hindi rin masyadong dinarayo ng mga advertisement at mga commercials ang mga naturang programa. Kahapon nakapagtala lamang ang Flor de Liza ng 25 ads with 3 gaps kompara sa The Half Sisters na nakakuha ng 66 ads at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na nakakuha rin lamang ng 26 ads with 3 gaps kompara sa Yagit na 50 ads with 5gaps
Hindi rin masyadong dinarayo ng mga advertisement at mga commercials ang mga naturang programa. Kahapon nakapagtala lamang ang Flor de Liza ng 25 ads with 3 gaps kompara sa The Half Sisters na nakakuha ng 66 ads at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na nakakuha rin lamang ng 26 ads with 3 gaps kompara sa Yagit na 50 ads with 5gaps
Hirit pa ng ilang netizens "Dapat tapusin na ang Flor de Liza at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita", may ilan pa nga ang nagbansang sa Flor de Liza na "FLOP de LIZA" at "NASAAN ANG RATINGS"
No comments