Loading...

Breaking News

Julia Montes, narerendahan kaya umalis na sa Star Magic?

PARANG walang makapipigil sa pag-iibigan nina Coco Martin at Julia Montes. Hindi na maitago ang inililihim na relasyon dahil sumambulat ito noong lumayas ang dalaga sa Star Magic.

Napakahirap kasi ng sitwasyon na itago ang pagmamahalan ng dalawa. Binigyan nga ni Coco si Julia ng isang expensive car na malaking pruwebang pagmamahal.


Subalit sa pag-iibigan mahahalatang may isang kaluluwang komokontra.

Noong umalis si Julia sa Star Magic ramdam na unti-unting sinisira ang imahe ng dalaga. Kung ano-anong balita ang ibinabato rito.

Kung paano ito malalabanan ay isang malaking palaisipan, ang mahalaga mabantayan ng Cornerstone (bagong nag-aalaga kay Julia) ang mga biyayang naibigay ng Star Magic.

Si Julia, parang nagsakripisyo na lumipat dahil parang suffocated na sa mga nangyayari. Magaling na artista si Julia at dapat mabigyan ng magandang project

Written by: Vir Gonzales

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments