Loading...

Breaking News

Dahil patuloy na tinatangkilik, Kapuso Stars sumugod sa MassKara Festival sa Bacolod.

TULAD ng inaasahan, patuloy na pinatitingkad ng GMA Network ang mga naglalakihang festival sa bansa. Nitong nakaraang Oktubre, nagtungo ang mga top-rating serye na Encantadia at Someone to Watch Over Me sa Bacolod City para sa isang back-to-back celebration ng MassKara Festival.

Kilig at magic ang hatid ng mga bida ng hit telefantasya Encantadia na sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Klea Pineda at Migo Adecer sa kanilang Kapuso Mall Show noong Oct. 22. Mainit na tinanggap ng kanilang mga tagasuportang Negrense ang Kapuso stars sa SM City Bacolod.


Bago ang kanilang mall show, bumisita pa sina Sanya, Rocco, Klea, at Migo sa Purok Yulo Uno, sa Barangay Mandalagan. Nagkaroon sila rito ng isang Kapuso Barangayan noong umaga.

Bago nito, ang mga lead star ng Someone to Watch Over Me naman ang lumipad patungong Bacolod. 

Sinamahan si Kapuso leading man Tom Rodriguez ng kanyang leading ladies na sina Lovi Poe at Max Collins sa isang Kapuso Mall Show sa SM City Bacolod Main Atrium noong Oct. 14.

Ang MassKara Festival ang pinakamalaking pagdiriwang na ginaganap taun-taon sa Bacolod City at isa sa mga pinaka-inaabangang festival sa buong Pilipinas.

c/o Bandera

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments