Loading...

Breaking News

Teleserye Annaliza, Honesto, Got To Believe at The Legal Wife patuloy ang pamamayagpag sa primetime.

Patuloy na namamayagpag sa primetime ang mga programa ng kapamilya network dahil mas tinututukan ng mga pinoy ang Primetime Bida kumpara sa Telebabad.

Ayon sa datos nang Kantar Media Philippines nuong Pebrero 27 wagi ang mga programa ng ABS-CBN laban sa mga katapat nito.

Annaliza (20.3%) vs. Paraiso Koy Ikaw (7.4%)
Tv Patrol (26.1%) vs. 24 Oras (14.4%)
Honesto (32.1%) vs. Adarna (16.0%)
Got To Believe (29.4%) vs. Carmela (15.8%)
The Legal Wife (18.3%) / Aquino & Abunda Tonight (11.5%) vs. Rhodora X (12.9%)

Pero kahit na umaariba ang kapamilya programs bumaba ang ratings nito at may ilan programa na tumaas at bumababa kung ikukumpara nuong Pebrero 25.

Annaliza (22.6%) vs. Paraiso Koy Ikaw (7.2%)
TV Patrol (28.9%) vs. 24 Oras
 Honesto (34.2%) vs. Adarna (17.1%)
Got To Believe (33.1%) vs. Carmela (15.9%)
The Legal Wife (19.4%) / Aquino & Abunda Tonight (11.9%) vs. Rhodora X (12.5%)

Ikinagulat ng mga fans partikular na ang Kathniel na magtatapos na ang Got to Believe kahit napakataas pa nang nakukuha nitong ratings, umabot sa 7 months ang kanilang primetime program.

Hindi sila napagbigyan na i-extend pa ito dahil magiging busy sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang bagong pelikula na Shes Dating with a Gangster.

Bukod sa Got to Believe magpapaalam na din ang teleserye Honesto at Annaliza na kung saan ipapalit dito ang fantaserye Mirabella at Dyesebel.

Tatlong bigating programa ang bago sa primetime bida sa pagpasok ng Marso ito ang Ikaw Lang na pagbibidahan nila Jake Cuenca, Julia Montes, Kim Chiu at Coco Martin ang Mirabella na pagbibidahan naman nina Sam Concepcion, Enrique Gil at Julia Barretto at ang inaabangan na fantaserye na Dyesebel na pagbibidahan nila Sam Milby, Andi Eigenmann, Gerald Anderson at Anne Curtis.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments