Loading...

Breaking News

Fantasy Drama na Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto masisilayan na ang kakaibang ganda ngayon Marso.

Sa pagtatapos ng 1st quarter nang taon masisilayan na ang kagandahan ni Mirabella na kung saan ito ang kauna-unahang pagbibidahan na teleserye ni Julia Barretto.

Isa nga itong big break sa bagong kapamilya teen star na si Julia Barretto dahil bibida ito sa pinakabagong fantasy drama na Mirabella at makakatambal nya dito sina Sam Concepcion at Enrique Gil.

Masisilayan na ang kakaibang ganda ni Mirabella ngayon Marso at kung tama ang tsika sa amin ay sa katapusan ito ng nasabing buwan eere kapalit ng Annaliza.

Kasama rin dito sa fantaserye Mirabella sina Pokwang, Mylene Dizon, Gloria Diaz, James Blanco, DJ Durano, Diego Loyzaga, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Noemi Oineza at John Lapus sa direksyon nina Erick Salud at Jerome Pobocan.

Sa pag-ere nito sa Marso papatok nga ba ito sa pinoy viewers?

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

3 comments:

  1. mirabella soon..

    ReplyDelete
  2. sa wakas mapapanood ko na to excited

    ReplyDelete
  3. ipalabas na para matapos na rin!lol

    ReplyDelete