Loading...

Breaking News

Finale episode ng Got to Believe nakapagtala nang 38.6% na ratings kumpara sa Carmela na 13.6% ang nakuha.

Tinutukan ng mga pinoy viewers ang pagtatapos ng hit primetime romantic drama series na "Got to Believe nuong biyernes Marso 7.

Pinagbibidahan ito nila Primetime Prince & Princess na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at maraming na-hook na pinoy sa sikat na teleserye ng ABS-CBN.

Hindi umubra ang kagandahan ni Carmela na pinagbibidahan ni Telebabad Queen na si Marian Rivera dahil bigo itong mapatumba kahit sa pagtatapos nito.

Wagi ang finale episode ng Got to Believe "Best Ever Ending" ayon yan sa Kantar Media at nakapagtala ito ng 38.6% na ratings kumpara sa Carmela na umabot lang sa 13.6%.

Nagtrend din ito sa twitter mapa Pilipinas man o Worldwide at inukupahan ang lahat ng slot ng serye Got to Believe, marami din viewers ang bitin sa istorya kaya sigaw nila magkaroon ito ng Book 2, makarating naman kaya ito sa ABS-CBN Management yan ang pakaabangan.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments