Loading...

Breaking News

The Voice Kids wagi sa ratings

Natapos na noong Linggo ang singing reality show para sa mga bata na "The Voice Kids" matatandaan na ang reality singing show na ito ang numero unong programa noong Hunyo ayon sa AGB Nieslen at Kantar Media. Ito pa nga ang dahilan kung bakit ilan sa mga Kapuso Show ay nagpaiba-iba ng timeslot.


Ang tubong Cavite na si Lyca Gairanod ang naguwi ng kauna-unahang bata na nanalo sa "The Voice Kids (Philippine Edition), si Lyca ang nangunguna pagdating sa text votes at parating trending sa mga social networking site na Twitter at Facebook".



Si Lyca ay isa sa mga team ni Sarah ni Geronimo.

Pumapangalawa naman si Darren na team din ni Sarah Geronimo, Juan Karlos Labajo ni team Bamboo at Darlene Vibares ni Team Lea.

Ilan sa mga nag trend na mga hashtag sa twitter (National and Worldwide) ay ang #TheVoiceKidsChampion, #TVKDarrenForTheChampion, #WowAngGwapoNiLuis, Jhong Hilario, Lani Misalucha, Gary V and JK, You Are My Song.

Ramdam din ang The Voice Kids sa buong bansa matapos makuha ito ng 37.7% noong Sabado (Hulyo 26) laban sa mga katapat nitong programa na Marian at GMA Blockbusters na 15% at 16.1% lamang at noong Linggo (Hulyo 27) nakakuha ito ng 37.2% laban sa Vampire ang Daddy Ko na 10.6%, Ismol Family 11.2% at GMA Blockbusters "The Scorpion King" 17.8%.

Si Luis Manzano at Alex Gonzaga ang naghost ng nasabing singing reality show at itinatampok ang mga featured performances nina Darren at Martin Nievera, Juan Karlos at Gary Valenciano & Darlene at Lani Misalucha.

Ang "The Voice of the Philippines Season 2" ay inaasahang mag-ere bago matapos ang taong ito.


No comments