Loading...

Breaking News

Teleserye "Honesto" pataas na pataas ang ratings katapat na Adarna nahihirapan lumipad.!

Mas lalong gumaganda ang istorya nang family drama na Honesto na pinagbibidahan nila Eddie Garcia, Melissa Ricks, Janice de Belen, Paulo Avelino, Joseph Marco at Raikko Mateo bilang si Honesto.

Kapansin-pansin na biglang tumaas ang ratings ng Honesto matatandaan na naglalaro ang ratings nito 24% hanggang 30% pero nitong mga nakaraang araw ay mas lalong tumaas pa ito.

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Kantar Media nuong Pebrero 10 nakakuha ang serye Honesto ng 32.3% laban sa katapat nitong programa na Adarna na pinagbibidahan ni Kylie Padilla na umabot lang sa 13.9%.

Mukhang patuloy na tinututukan ng mga pinoy viewers ang Honesto bukod kasi sa may magandang asal na mapupulot dito ay dagsa din ang ad loads nito.

Abangan ang Honesto gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol at bago mag Got to Believe.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments