Loading...

Breaking News

Telebabad Queen na si Marian Rivera nagtaray, sey nya sa nag-interbyu ‘Bastos Ka!’

Totoo kaya ang tsika ng isang writer na nagtaray na naman ang tinaguriang Telebabad Queen na si Marian Rivera sa isang nag-interbyu sa kanya.

Nangyari diumano ito bago umere ang kanyang serye na Carmela dahil parte ito ng promo nang kanyang programa.

Ayon kay Reggee Bonoan isang writer mula Bandera may nagtsika diumano sa kanya na taga GMA7 tungkol sa inasal ni Marian Rivera kung saan iinterbyuhin sana ang aktres.


Ayon sa artikulo na ipinost nito mula sa Bandera.

Ang tsika sa amin ng taga-Siyete, “In-interview si Marian, siyempre kumustahan, update tsikahan tapos para ma-promote ang serye niya na Carmela, tinanong kung okay lang ba kay Dingdong ang mga eksena nila ni Alden Richards o kailangang ipaalam pa rito lahat ni Marian ‘yung mga kilig moments nila.

“Nagulat ‘yung nagtanong at ‘yung cameraman kasi biglang sumigaw si Marian ng, ‘Bastos ka!’ sabay talikod. At nakunan daw ang eksenang ‘yun sa camera. 

Dagdag pa ni Reggee sa kanyang isinulat na artikulo magsusumbong daw diumano si Marian Rivera dahil binastos ito.


“Tapos ang masama, nagsabi pa raw si Marian na magsusumbong siya sa management kasi binastos siya. Ano’ng pambabatos? Tinanong lang naman kung okay lang kay Dingdong ‘yung kilig moments nila ni Alden?

At maski i-review ng management ang tape, makikitang walang masama sa tanong sa kanya. Tapos si Dingdong, pinacify na lang si Marian kasi mainit na ang ulo,” kuwento ng source. 

Mainit kaya ang ulo ni Marian Rivera o isa naman kaya itong paninira sa kanya, narito pa ang nasulat ni Reggee Bonoan sa kanyang artikulo.

Wala rin kaming makitang masama sa tanong bossing Ervin, unless may kulang sa kuwento sa amin at mas maganda nga kung i-review ang tape para magkaalaman na kung ano ang totoo.
Teka, baka kaya mainit ang ulo ng aktres ay dahil bina-bash na naman siya sa social media dahil talo ang serye niyang Carmela sa ratings game?

Susme, tumapat ba naman kasi siya sa Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, e, di suicide nga. Kita mo nga, segu-segundo ay nagte-trending worldwide ang GTB.


Bakit nga ba sa serye nina Daniel at Kathryn itinapat ang programa ni Marian? Bakit hindi sa The Legal Wife ni Angel Locsin para magkaalaman talaga kung sino ang may karapatang tawaging primetime queen at kung sino sa kanila ang mas maraming fans.

Going back sa taong nag-interview kay Marian, isang hamak na empleyado lang ito at sumusunod lang sa utos ng nakatataas sa kanya at kung magiging dahilan pa ito para mawalan siya ng trabaho ay sana mag-isep-isep ang sinasabing goldmine ng GMA dahil baka may balik ito sa aktres.

At sa mga reporter na kapag hindi type ng artista magpa-interview, dedmahin na lang kaysa matarayan pa kayo. Remember, pare-pareho lang tayong anak ng Diyos, nagkataon lang na magkakaiba ang trabaho, kaya huwag hayaang tapak-tapakan ang inyong pagkatao. 

Kung totoo man ang tsikang ito im sure alam yan ng GMA7 dahil sila lang ang nakakaalam nyan sana maklaro at matuldukan na ang isyung ito para hindi na pagpyestahan.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments