Loading...

Breaking News

Finale episode ng My Faithful Husband wagi sa Mega Manila nakapagtala ng 19.9% laban sa On the Wings of Love 16.7%.

Waging-wagi sa tv ratings ang pagtatapos ng primetime series na My Faithful Husband noong biyernes Nobyembre 13 na pinagbibidahan nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Nagsimula ang My Faithful Husband noong Agosto 10 at umabot ito sa tatlong buwan sa ere katumbas ng isang season. Sa mga hindi nakakaalam dapat hanggang Desyembre pa ito pero napaaga ang pagtatapos nito.

Mula simula hanggang sa huli, hindi bumitaw ang pinoy viewers sa pagtatapos ng serye My Faithful Husband na inyong iniyakan.

Ayon sa datos ng AGB Nielsen Mega Manila ratings nakapagtala ng 19.9% ang finale episode ng My Faithful Husband laban sa 16.7% ng On the Wings of Love.

Ang datos mula sa AGB Nielsen ang ginamit namin dahil ito ang basehan ng GMA Network.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments