Loading...

Breaking News

ABS-CBN Christmas Station ID 2.1 million views VS. GMA Christmas Station ID 1.5 million views.

Makalipas ang limang araw na pag-upload nito sa Youtube ating alamin kung anong istasyon ang nakakuha ng maraming views sa kanilang christmas station id.

Noong Nobyembre 12 inupload sa Youtube ang christmas station id ng ABS-CBN at GMA at sa unang pag-ariba nito ibinalita kaagad ng Kapuso Network via 24 Oras na humataw kaagad sa dami ng views at tweets ang kanilang GMA #maGMAhalantayongayongpasko christmas station id.

Samantala sa unang araw ng salpukan hindi ipinagmayabang ng Kapamilya Network ang views at tweets ng kanilang ABS-CBN #ThankYoufortheLove christmas station id kahit nagtrending ito sa twitter at bumuhos ang views sa Youtube.

Limang araw mula inupload ito sa Youtube nakapagtala ng mahigit 2.1 million views ang ABS-CBN Christmas Station ID laban sa 1.5 million views ng GMA Christmas Station ID.

Mas marami din ang nakuhang LIKE ng ABS-CBN na mayroong 51,407 likes kumpara sa 46,896 likes ng GMA.

Ang GMA ang may pinakamaraming DISLIKE na nakuha at umabot ito sa 10,334 dislikes kumpara sa 4,430 dislikes ng ABS-CBN.

May ilang netizens ang nagtatanong mula sa social media kung asan na daw ang Aldub Nation sey nila bakit kaunti lang daw ang views na nakuha ng GMA hindi ba't nakapagtala sila ng mahigit 41 million tweets sa twitter.

May nabasa din kami na naghahamon na padamihan na lang daw ng tweets imbes na views ang basehan. Sa mga hindi nakakaalam kapag free data ang gamit mo sa iyong mobile device pwede kang mag status o tweets pero hindi ka makakapanood ng video sa youtube.

Meron din nawindang na mga fans dahil mahigit 500K views ang lamang ng ABS-CBN na ikinaloka nila hot topic pa rin ito sa social media.

Tinambakan din ng views ang recording session nang GMA Christmas Station ID na umabot lang sa mahigit 1.4 million views kumpara sa 3.1 million views ng recording music video ng ABS-CBN.

Asahan sa darating na mga araw ay patuloy na tataas ang views ng bawat video nito sa Youtube.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments