Loading...

Breaking News

Hit teleserye Pangako Sa'Yo pinataob ang pagsisimula ng bagong GMA Telebabad show na Little Nanay!

Sa pagbubukas ng ikalawang yugto ng hit teleserye Pangako Sa'Yo patuloy pa rin na nangunguna at pinag-uusapan sa social media ang pang international na akting ng mga bida.

Sa pagsisimula ng bagong GMA telebabad program na Litlle Nanay noong lunes (Nobyembre 16) na pinagbibidahan ni Kris Bernal at Superstar Nora Aunor bigo itong mapataob ang katapat na programa.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media National TV Ratings nakapagtala ng 18.4% na tv ratings ang pilot episode ng Little Nanay laban sa 35.1% ng Pangako Sa'Yo.

Hindi din naramdaman at pinag-uusapan ang Little Nanay sa social media dahil mas pinag-usapan ang Pangako Sa'Yo na gabi-gabi trending sa Twitter.

Dikit na dikit naman ang laban, ayon sa datos mula sa AGB Nielsen Mega Manila Ratings nakapagtala ng 22.7% ang primetime series na Little Nanay sa pilot episode nito laban sa 21.9% ng Pangako Sa'Yo.

Ilang netizens din ang nagpaabot sa social media sey nila kulang na kulang sa hype at suporta ang GMA Network sa serye Little Nanay dahil todo suporta at lagi na lang ibinibida ang AlDub.

Kapansin-pansin din na puro AlDub ang laman ng Facebook at Twitter account ng GMA kaya naman ilang kapuso star ang walang ganap at hindi manlang maibalita.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments