Loading...

Breaking News

Da WHO: Young Actress, nag-walkout sa shoot ng infomercial ng TV Network.

SINO ITONG young actress na nag-walkout daw sa isang commercial shoot ng isang TV network? Hindi lang naman siya ang nag-iiisang artista na kasama sa info shoot na ‘yun, kaya naman umikot kaaagad ang balitang nagpapaka-attitude problem ito.

Maraming dahilan daw si Young Actress dahil nga kesyo may shooting pa ito o taping kinabukasan. Kaya kailangan daw na matapos siya kaagad.

Ang nakakalokah, nalaman na lang ng production staff na wala na sa shooting site ang hitad. Walk out?

Sentro siya ng tsikahan ngayon, dahil nga mas malaking artista ang kasama niya, pero ‘di nagpi-feeling star.

O know n’yo na ba siya? Gusto n’yo ba ng clue? Initials?

Ang initials ng name niya ay name ng kanyang dyowa… ‘Yun na… Isip-isip na! O gets n’yo na ba?

Written by: Fernan de Guzman


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments