Loading...

Breaking News

Da WHO: Singer Actress lilipat na ng network kaya dedma sa alok na bagong show.

Mami-miss ng kanyang fans ang singer-actress (SA) na ito na nakasanayan nang mapanood every Sunday. Sa bagong show ng network na ipapalit sa show ngayon, hindi na kasali si SA, hindi nito tinanggap nang offer-an siyang mapasama sa show.

Kinumpirma ito ni SA sa isang interview, pero hindi na sinabi ang rason. Siguro naman, walang ki-nalaman ang makaka-sama ni SA sa show para hindi tanggapin dahil mga kaibigan niya ang bagong cast ng show.

Sa interview kay SA, nabanggit kung anong concept ang gusto niyang gawin at sana makarating sa management ng network at ibigay sa kanya dahil she deserves it.

Natsismis na aalis sa network niya ngayon si SA para lumipat sa ibang station, idinenay ito ng kanyang manager, pero hintayin natin dahil malapit nang mag-expire ang kontrata nito sa network niya ngayon.


Written by: Nitz Miralles


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments