Loading...

Breaking News

Arte-artehan daw kasi ilang taga-GMA nagsisisi raw sa pagkuha kay Iya Villania!?!

True kaya na may ilang taga-GMA-7 na naiinis kay Iya Villania dahil nagpi-feeling?

Bago nga raw ito napili sa 24 Oras ay panay ang tanggi nito saibang binibigay na assignment dahil nga raw pagho-host ang gusto niyang trabaho.

Kaso wala na namang talk show at wala naman daw maibigay na lifestyle show dahil parehong hindi na uso.


Buti na lang daw at nakapasok ito sa 24 Oras. Ang siste naman daw umaarte ito na hindi umaayon sa kanyang trabaho.

Panay daw ang pa-cute at side comments sa ibang topic na hindi niya raw dapat ginagawa. May nag-attempt na raw sawayin ito pero bumabalik din sa style nito.

Kaya raw parang nagsisisi na tuloy ang ilang taga-GMA na kinontrata nila ang aktres-TV host. Naku dapat i-chika minute ito ni Iya kung ano ba ang totoo sa isyu.


Written by: Salve V. Asis

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments