Loading...

Rhian Ramos, Jennylyn Mercado at Marian Rivera mga pinagpipilian gaganap bilang Steffi Cheon.

Merong inilabas na listahan ang GMA Network para sa kanilang survey na gaganap sa hit korean drama series na My Love from the Star bilang Steffi Cheon.

Mukhang pupulsuhan ng Kapuso Network thru online voting ang mga netizens all over the world kung sa tingin nila sino ang karapat dapat gumanap na Steffi Cheon sa pinoy version na My Love from the Star sakaling iremake ito.

Ang online poll na ito ay nagsimula kahapon Marso 27 at mukhang may bet na ang karamihan kung sino ang bagay sa nasabing role.

Sa resulta nito as of Marso 28 (3:pm) nanguna si Kapuso Telebabad Queen Marian Rivera na may 42% at nasa pangalawang pwesto naman si Jennylyn Mercado na may 36% at sinusundan ito ni Rhian Ramos na nakakuha ng 7%.

Kanya-kanya din promote ang ilang fans na iboto ang kanilang idolo, hindi din maiiwasan na magbangayan ang ilang fans.

Sa huli ang GMA Network parin ang magpapasya ng desisyon sakaling iremake ang nasabing korean series.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments