Loading...

Fan ni Kathryn Bernardo nag-utos na buhusan ng oil sina Nadine Lustre at Liza Soberano.

MAY pagkaluka-luka itong isang KathNiel fan. Parang naghahamon kasi ang gagah, gustong manggulo
at gustong ipahiya sinaNadine Lustre at Liza Soberano.

Nag-post kasi ito ng message asking Kathniel fans na gumawa ng pambabastos sa dalawa. Sinabihan niya ang fans nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na bastusin sina Nadine at Liza.

Ang say ng luka-luka, tapunan nila ng kahit na anong bagay sina Liza at Nadine kahit saan nila ito makita. O kaya ay buhusan nila ito ng oil o kaya ay softdrink kapag nakita nila ito sa isang popular Pinoy fastfood chain.

May sira sa ulo ang Kathniel fan na ‘yon, ‘di ba? Matindi rin siya, ‘no, parang walang pinag-aralan, walang modo.

Ang feeling tuloy namin ay nate-threaten siya dahil pasikat nang pasikat sina Nadine at Liza. Baka naman natatakot siyang maungusan na ng dalawa ang idol niyang si Kathryn.

Kung gusto pala niyang mambastos, eh, bakit hindi na lang siya ang gumawa niyon? Bakit kinukumbinse pa niya ang Kathniel fans na mambastos kina Nadine at Liza? Afraid ba siya? Siya ang nakaisip kaya dapat siya ang gumawa, ‘no!

Aware kaya sina Daniel at Kathryn sa “utos” na ito ng fan? For sure, hindi. At malamang ay pipigilan nila ito’t pagsasabihan kung nalaman nila dahil sa kanila nga naman magre-reflect ang ganoong katsipan.

Naku, ang fans talaga mga walang pinag-aralan. Maglaba ka na lang, ‘day, o kaya maglinis ng bahay. Ang hugasan sa kitchen ay naghihintay na sa iyo. Linisin mo na rin ang CR na sing baho mo, ‘day. Hindi mo pa day-off ay talak ka na ng talak. Magtrabaho ka muna, ineng!

Written by: Alex Brosas


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

1 comment:

  1. Wow totoo ba eto Alex Brosas??? Thanks for being nice to Nadine, the emerging Superstar, she's got all the equipment at Filipina beauty pa. Sana magkasama din sila ni Kathryn minsan, either mag-ate or twins, it will be perfect!!!

    ReplyDelete