Loading...

Breaking News

Ejay Falcon, Paulo Avelino at Coco Martin pinagpipilian bilang bagong Captain Barbell

Pagkatapos ng Mars Ravelos Dyesebel may nakaabang pa na dalawang sikat na pinoy superhero na ireremake ng ABS-CBN.

Malapit na simulan ang Darna the Movie at si Angel Locsin parin ang gaganap bilang Narda at Darna pero this time ay sa big screen natin maririnig ang pagsigaw ng DARNA.

Kung ang Darna ay gagawing pelikula ang Captain Barbell naman ay gagawing fantaserye at ngayon pa lang ay pinupulsuhan na ito ng ABS-CBN Management kung sino ang karapat dapat na gaganap bilang Captain Barbell.

May mga lumabas na pangalan na kung saan sa tingin nila karapat dapat na bumida bilang Captain Barbell una na dyan si Ejay Falcon na sey ng ilang ay bagay sa batang aktor na mging Captain Barbell.

Sunod naman ang pangalan ni Paulo Avelino sa malakas na gaganap bilang Captain Barbell sey naman ng ilan bukod sa sexy na at magaling pa umarte malakas din ang aktor sa Dreamscape.

Ang pinakahuli sa matunog na gaganap bilang Captain Barbell ay si Coco Martin sey ng ilan bukod sa maraming awards na ang hinakot ay maraming kabataan ang umiidolo sa kanya kaya lang ang problema ang kanyang height dahil alam naman natin na medyo hindi katangkaran si papa Coco.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments