Loading...

Breaking News

Audition ng Pinoy Big Brother, pang-PROMOTION at pang-DOCUMENTATION lang nga ba?

Almost 11K PBB ALL IN Last Chance Aspiring Housemates na nag-audition sa Araneta Coliseum, may nakuha nga ba?

'Yan ang karaniwang katanungan na umiikot ngayon sa social media, mapa-TWITTER o FACEBOOK man. Katanungan na tila kini-question ang pamunuan ng Pinoy Big Brother, katanungan ng naghahanap ng kasagutan, at katanungan na humuhusga sa kredibilidad ng show.

Matatandaang halos 11K na aspiring housemates ang naitalang dumagsa sa ginanap na last chance na audition ng pinakabagong edition ng Pinoy Big Brother ang PBB All in sa Araneta Coliseum. 


Dinagsa ng mga nangangarap na maging isa sa mga housemates ni Kuya, nangangarap ng magandang bukas at nangangarap ng panibagong pagkakataon.

Ngunit kagabi nga ay ipinakilala na ang lahat ng housemates ni Kuya, mga bagong housemates na halos maituturing mong may kaya sa buhay, may mukhang pang artista at may ibang kilala na ng lahat na animoy halos lahat ay may koneksyon sa showbiz industry (excluded ang dating mga celebrity na). 


At dahil dito nagkaroon ng iba't ibang reaksyon ang madla, kung ang last chance auditon ba ay sadyang pang-PROMOTION lang at pang-DOCUMENTATION lamang.

At ang isa pang salita na pilit pinupunto ng madla, "DISCRIMINATION". 


Written by: Admin Yale of Philippine Current Gossip

No comments