Loading...

Breaking News

Honesto wagi sa ratings nakapagtala ng 32.4% laban sa pag-ahon nang Kambal Sirena na umabot lang sa 18.1%.

Sa huling linggo ng Family Drama na Honesto ay patuloy parin ito sa pamamayagpag sa ere at mas pinakatutukan ito kumpara sa bago nitong katapat na serye.

Kahit sinasabing bagong bihis at All New GMA Telebabad programs ang masisilayan nila sa primetime ay bigo parin ito na makaahon sa pagkakalugmok.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media Philippines nakapagtala ang pilot episode ng Kambal Sirena na pinagbibidahan nila Aljur Abrenica at Louise delos Reyes ng 18.1% laban sa Honesto na umabot sa 32.4%.

Sa makatuwid sa unang sagupaan ng dalawang programa ay nilunod ni Honesto ang Kambal Sirena, abangan din sa susunod na linggo ang pagtatapatan ng Dyesebel at Kambal Sirena sa primetime.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments