Loading...

Breaking News

Da WHO: Komedyante nirereklamo ng dating kagawad.

REKLAMO ng isang dating kagawad na ayaw pabanggit ang pangalan na taga-Barangay San Antonio, Pasig City, isang host/comedian ang sobrang nakaaabala na ang kanyang 5 vintage cars kaya nagrereklamo na ang ibang tenants dahil wala silang magamit na parking area.


Mayabang pa raw ang nasabing komedyanteng ito kaya naiinis na ang mga ka-Barangay niya sa nasabing lungsod. Ang nasabing komedyante ay nagkaroon ng relasyon sa isang matandang negosyanteng may utang sa aking kaibigang negosyante na ngayo’y nasa korte na ang kaso.


Ang host/comedian na ito ay medyo sikat na rin kahit papano kasi lumalabas na ito sa telebisyon, commercial at pelikula. Hindi naman suplado sa press, mabait naman. Kaya lang, medyo kuripot ito.

Ang kanyang buhok ay blondie at mukhang matamlay ang kanyang career sa showbiz simula ng hiwalayan niya ang asawa niyang negosyante na kinasal pa sila sa abroad.

 Written by: Gary P. Sta.Ana

No comments