Loading...

Breaking News

Ellen Adarna, hindi sumikat at walang kinita sa GMA7.

ALMOST two years daw na na-disowned ng kanyang sariling ama si Ellen Adarna nang pumasok siya sa showbiz. Kalokohan lang daw ang kanyang pinaggagawa , sabi ng kanyang tatay. Ito ‘yong panahon na naging artista siya ng GMA 7. Kaya umabot sa puntong nag-decide na rin siya noon na umuwi na ng probinsya at kalimutan ang paga-artista.

“’Yon pong nasa GMA pa ko and wala naman nangyayari sa career ko that time, so I planned na umuwi na lang ako. I told ‘yong bagong manager ko na why not try modeling na lang and enjoy my last six months here. Gusto ko ma-enjoy kasi pag-uwi ko balik-trabaho na naman. Sabi niya, ‘girl, try muna natin sa ABS,’ sabi ko, o sige. Ito ang nangyari, I’m here na.”

Parang sinabi ni Ellen na walang kuwenta ang naging karanasan niya sa Kapuso dahil hindi man lang siya kumita rito, at hindi rin siya sumikat. Pero ngayong nasa ABS-CBN na siya, isang serye (Moon of Desire) pa lang ang ibinigay sa kanya ng Kapamilya at ipalalabas pa lamang ito ay bukambibig na agad ang kanyang pangalan.

Pinag-uusapan na siya ng publiko. Unti-unti na rin nawawala ang negative image niya na nakuha niya dahil sa sobrang paglalasing niya noon, kaliwa’t kanang pakikipag-date sa mga lalaki at kung ano-ano pang kaloka-lokahan.

Ngayon nasa pangangalaga na nga siya ng ABS ay natutuwa na raw ang kanyang ama. “At least he sees that I’m earning,” sabi ng seksing FHM babe na ngayon ay Kapamilya talent na kaya hindi na natuloy ang maagang pagreretiro niya.

Anyway, Sa March 31 na mapanonood ang upcoming afternoon sexy-drama series na “Moon of Desire,” kung saan pagbibidahan ito nina Meg Imperial at JC de Vera.

Written by Abe Paulite

No comments