Loading...

Breaking News

Da WHO: TV show na nag-daily, walang pambayad sa guest

ANG yabang din ng TV show na ‘to. Dati once a week lang silang napanonood. Pero nang umangat ng konti ang rating ay biglang nag-daily. Maging ang staff ay na-shock.

Hindi nila sukat akalain na sa kokonti nilang tao sa programa ay madaragdagan ng sampung beses ang trabaho nila. Kumuha naman daw ng dagdag-tao pero pinaghati-hati ang mga ito sa kanya-kanyang team. Pinaghalo ang mga bagong salta sa mga datihan.

Kanya-kanya rin sila ng hanap ng subject na ipe-feature sa programa. Mga laos na celebrity ang ini-interview nila, as if naman may mga interesado pa sa kanila. Subalit dahil na-saturate na nila ang mga artistang wala na sa limelight, hirap na sila ngayong maghanap ng iba.

Ang problema pa sa palabas na ito, kumuha sila ng mga reporters na magiging resource person nila pero wala namang ni konting pampalubag-loob. But take note, ang hilig nilang mangarap sa manunulat na gusto nilang interbyuhin. Ang oras nila ang gustong masunod. Feeling nila may ibinibigay silang talent fee para mag-demand sila ng time.

Ewan nga ba’t sobrang kuring ng management at ayaw man lang mag-share ng kanilang blessings gayong kumikita naman sila.

Dahil sa pagkagahaman nila sa kuwarta, unti-unti nang tumatamlay ang rating nila at kokonti na lamang ang commercials. Well, tiyak na babalik sila sa isang beses sa isang linggong programa. ‘Yan ang hula namin.

Written by: Abe Paulite

2 comments: