Loading...

Breaking News

Anak ni Jose Manalo nagtangkang magpakamatay.

NAKAHANDA na ang suicide note na iniwan ng pangalawa sa bunsong anak ng Eat Bulaga! host na si Jose Manalo na tangkang magpakamatay.

Lumalabas na nagtangkang magpakamatay ang 17-year-old na anak ni Jose sa pamamagitan ng pag-inom ng sari-saring gamot dahil sa matinding depresyon na dulot ng hindi pagtupad ng ama sa mga naipangako sa kanila.

Kabilang dito ang tulong na pinansyal para sa kanyang pag-aaral.

“Pinangakuang babayaran yung tuition fee. Hindi binabayaran yung tuition fee. “At last week, sinabihan na hindi mag-aaral yung bata,” ayon pa sa abogado nito na si Atty. Pangan.

Nabanggit din ng abogado na labis ding nalulungkot ang anak ni Jose para sa bunsong kapatid nito.

“Sobrang depressed po siya para sa bunsong kapatid dahil noong Pasko raw po, ni isang kendi wala daw ipinadala yung tatay o ng kung ano man na naalala sila ng tatay nila. Parang hanggang ngayon ho ay parang hindi sila tinuturing na anak ng kanilang tatay.”

Ang anak na ito ni Jose na nagtangkang magpakamatay ang nagsampa ng reklamong child abuse laban sa comedian-TV host noong nakaraang taon.

Ito ay sa kadahilanang hindi raw nagbibigay ng anomang financial support para sa kanyang pag-aaral ang ama.

Written by: Gina Roluna

2 comments:

  1. hay naku Jose Manalo, kahit pa libo libo o milyon milyon ang napapasaya mong tao araw araw, kung di mo naman ginagampanan ang tungkulin mo bilang ama, wala ka pa ring kwentang tao!

    ReplyDelete
  2. Di ba lumalabas yan ngayon sa The Legal Wife? Yung tauhan ni Maja na hinostage sila ni Jericho? Ank pala siya ni Jose. Hindi dapat Manalo ang apelyido mo kung inabandona mo mga pamilya mo.

    ReplyDelete