Loading...

Breaking News

TV 5 pinag-iisipan nang isara?!!

KUNG hindi maaayos agad ang gusot sa pagitan ng ABC Employees Union (ABCEU) at management ng TV5 sa pangunguna ni Mr. Manny V. Pangilinan ay delikadong magkawindang-windang ang kanilang mga shows.

Hanggang ngayon daw ay nakanganga pa ang samahan ng mga manggagawa ng network sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa magiging tugon ni MVP sa hinihiling nilang wage increase bilang bahagi ng collective bargaining agreement o CBA ng magkabilang partido.

Hirap daw ibigay ng may-ari ang dagdag sahod ng kanyang mga manggagawa sa network pero lagi itong nakapagbibigay ng donasyon sa mga sinalanta ng kalamidad at nagmamantine pa ito ng ilang basketball teams sa PBA na wala namang ipinapasok na salapi sa kanyang kabang-yaman.

Sa mga empleyado naman, dapat ‘yong tamang umento lang ang hingin nyo. Kayo rin, kapag nagsara ang istasyon ay kayo rin ang mawawalan lalo pa’t hindi naman kumikita ang mga programa nito.

Sa sandamakmak na problemang dala ng kanyang TV network, hindi kaya pinagiisipan na ni Ginoong Pangilinan ang pagsasara nito?

Ang ilang talent ng Cinco ay nagtatanong na kung kailan sila makalilipat sa bagong building na pinatatayo sa Manduluyong. Parang wala na raw gana si Bossing MVP na ipatapos itong gusali dahil ang tagal na nitong ginagawa gayong hindi naman ito gaanong kalakihan.

Pero nakapagtatakang pilit raw gustong bilhin ng huli ang GMA-7-ang istasyong tinutuwaran na ng mga talent at ang mga natitira na lamang ay mangilan-ngilang may pangalan. Giatay!

Ano bang meron sa Kapuso at feel na feel ito ni Sir Manny?

Written by: Abe Paulite

No comments