Loading...

Breaking News

Teleserye The Legal Wife waging-wagi na sa ratings at ad loads pinag-uusapan pa sa social media.

Waging-wagi nga sa tv ratings ang teleserye The Legal Wife na pinagbibidahan nila JC de Vera, Maja Salvador, Jericho Rosales at Primetime Queen Angel Locsin mapa AGB Nielsen man o Kantar Media.

Talagang humahataw sa ratings ang The Legal Wife laban sa katapat nitong Rhodora X ni Jennylyn Mercado sa latest ratings nga na inilabas ng Kantar Media nakapagtala ang The Legal Wife ng 18.8% laban sa katapat nito na umabot lang sa 10.3% na ratings.

Bukod sa wagi ito sa ratings dagsa din ang ad loads nito taliwas sa lumabas na balita na lugi ito sa tv commercial, kung ikukumpara nyo nasa 3rd slot ang The Legal Wife sa primetime bida at bibihira lang na pasukin ito ng ad loads dahil gabi na ito ipinapalabas.

Mas pinag-uusapan din ng mga netizens ang The Legal Wife sa mga social media dahil sa mga magagandang feedbacks ang nakukuha ng naturang programa.

May mga hashtag pa nga ito gabi-gabi mula sa #TheLegalWifePilot hanggang sa #TheLegalWifeDay10 ay trending ito sa twitter.

Abangan din ang mas mahigpit na sagupaan ng mga teleserye sa primetime ano pa't marami na din naglalabasan na mga negative articles sa seryeng ito.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments