Loading...

Breaking News

Tambalang Janella Salvador at Marlo Mortel patok sa panlasa ng pinoy, MMK episode nila humataw sa ratings.!

Sa kauna-unahang pagkakataon nagsama at nagtambal sa isang proyekto ang mga bida sa hit romantic drama series na Be Careful with my Heart.

Sa episode nga nuong Pebrero 22 sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya ay nagsama sina Janella Salvador at Marlo Mortel.

Inabangan ng kanilang mga fans pati na rin mga pinoy viewers ang kanilang hindi malilimutan na pagsasama ano pa't MMK ito kaya marami ang nag-iexpect sa istoryang handog nila.

Patok ang kanilang tambalan at talagang pinag-usapan ito sa social media kaya naman sigaw ng ilang mga taga suporta na bigyan na sila ng bagong teleserye na sila mismo ang bida.

Infairness kay Janella at Marlo napaka galing nila umarte at hindi nila binigo ang kanilang mga fans ang tanong mapagbigyan ba ang kanilang hiling at makarating naman kaya ito sa ABS-CBN Management.

Nakapagtala ng 32.1% ang nakuhang ratings nang Maalaala Mo Kaya at 18.1%  lang ang nakuha ng Magpakailanman ayon yan sa datos mula sa Kantar Media.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. So nice to hear that. :-) #ForeverMarNella

    ReplyDelete
  2. They really deserve to have bigger projects. They have strong chemistry and they both sing great. They even deserve to have an album of their own. You can search for their song covers at youtube. They're soooo awesome.

    ReplyDelete