Loading...

Breaking News

Engrandeng teleserye "Ikaw Lamang" na pinagbibidahan nina Julia Montes, Jake Cuenca, Kim Chiu at Coco Martin magsisimula na sa March 10.

Ito na ang engrandeng teleserye sa 1st quarter ng 2014 dahil sa kauna-unahang pagkakataon magsasama ang mga pinakasikat at magagaling na kapamilya aktor at aktres sa kanilang henerasyon sa isang higanting serye.

Kabilang sa mga makakasama nila Julia Montes at Jake Cuenca sa engrandeng teleserye "Ikaw Lamang" ang  orihinal na Primetime Princess na si Kim Chiu at si Philippine Primetime King na si Coco Martin.

Kasama rin dito ang mga magagaling na artista na sina John Estrada, Tirso Cruz III, Cherie Gil, Angel Aquino, Ronnie Lazaro, Spanky Manikan, Meryll Soriano at Ronaldo Valdez.

Magsisimula ang Ikaw Lamang sa March 10 sa Primetime Bida at ito ang ipapalit sa kilig serye Got to Believe na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magtatapos naman sa March 7.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments