Loading...

Breaking News

Denise Laurel, natrauma dahil napagkamalang si Deniece Cornejo.

Ito raw ang sinapit ni Denise Laurel nitong mga nakaraang linggo matapos siyang mapagkamalan ng ilang netizens na si Deniece Cornejo!

Halos isang buwan daw nakatikim ng masasakit na salita ang aktres mula sa haters!

Kwento ni Denise, “People were tweeting me... cursing at me, making me mura! Saying mamatay ka na sana! Ikaw pala may kasalanan ng lahat, ikaw pala iyong babaeng iyon!”

Buti na lang daw to the rescue ang kaibigan na si Vice Ganda, at nilinaw nito sa netizens na magkaibang tao si Deniece Cornejo at Denise Laurel!

“Naliwanagan yung mga tao na hindi ako yung Deniece na iyon. Magkaparehas man kami ng tunog ng pangalan, magkaiba naman ng spelling at magkaiba ng personality at magkaiba na tao!”

Hindi raw biro na mapagkatuwaan kagaya ng sinapit ni Denise kaya paalala niya sa publiko:

“Behind the joke, I want people to remember that a serious thing happened here and it’s not a nice thing,” paliwanag ni Denise.

Buti na lang daw nakarecover sa stress mula sa mga na-Wow Maling netizen haters si Denise sa tulong ng kanyang fiancé of six months na si Petron player Sol Mercado na todo kung siya ay i-spoil!

Katunayan, si Denise pa raw ang magdidikta kung kailan niya gusto mangyari ang wedding nilang dalawa!

“Yung importante sa kanya, yung happiness ko at happiness niya, and he knows how much I love what I do, so I cannot juggle yung pagiging mommy, pagiging fiancée, pagiging actress, tapos I’ll work on the wedding right now,” pagtatapos ni Denise.

source: Showbiz Police

No comments