Loading...

Breaking News

Da WHO: Hininga ng machong aktor nakakasuka, kinatatakutan ng leading ladies.

Nagrereklamo na ang leading ladies ng popular macho dahil sa kanyang hininga ng dragon. Sobrang alingasaw ng kanyang bibig tuwing magdi-deliver ng dialogue, because of chain smoking.

Kapag wala na sa harap ng camera ang pogi, tuloy na naman ang hitit niya ng nikotina.

Ang warning ng mga partner niyang aktres, hindi sila papayag na maka-kissing scene ang aktor. Dapat may kasama siyang dentista upang obligahin siyang mag-toothbrush nang mabuti at magmumog ng potent mouth wash.

Ano kayang tatak ang marerekomenda mo, Chichalap?

Written by: Ernie Pecho

No comments