Loading...

Breaking News

Da WHO: Actor caught smoking weed to be axed by home network?

Ayaw banggitin sa news report sa TV ang name ng actor na nahulihan diumano ng marijuana sa ginanap na 7107 International Music Festival sa Clark, Pampanga dahil menor de edad daw ang actor.

Paano ’yan at sa mga blog site, may clues na ibinigay at kulang na lang, banggitin ang name ng aktor.

Tapos sa Twitter, may matapang na nagbanggit ng name niya, kaya lang, binura rin, pero marami na ang nakabasa ng pangalan niya.

May mga nagsasabi namang hindi 17 years old kundi 18 years old na ang aktor, hindi na siya minor, kaya puwede siyang pangalanan.

Hinihintay kung anong move ang gagawin ng network kung saan nakakontrata ang aktor lalo’t may tumatakbo itong soap.

Anong disciplinary action kaya ang gagawin sa kanya? Alisin kaya siya sa soap?

 Written by: Nitz Miralles

1 comment: