Loading...

Breaking News

Boy2 Quizon, sinugod si Cedric Lee dahil kay Vhong Navarro.

Trending na sa social media ang baon na chika ni Showbiz Police host Raymond Gutierrez last Tuesday!

Chika ni Mond na more than two weeks ago ay kinumpronta ni Boy2 Quizon si Cedric Lee nang makita itong gumigimik sa isang bar sa Makati sa kasagsagan ng sinapit ni Vhong Navarro sa ginawang pambubugbog ng grupo ni Cedric!

Kinakapatid ng mga Quizon si Vhong kaya naapektuhan ang aktor nang makita si Lee.

Kinabukasan ay kinumpirma ng tito ni Boy2 na si Vandolph ang eksena sa pagitan nina Boy2 at Cedric.

Paliwanag ni Vandolph, “Syempre naapektuhan kami kay Vhong, parang kapatid na namin siya.”
`
Wala man si Vandolph sa eksenang iyon, kinampihan nito ang ginawa ng pamangkin para kay Vhong.

“Syempre Boy2 is just doing his job as a brother. Sguro medyo naging out of hand dahil hindi lang napag-usapan ng mabuti.”

Pero payo ni Vandolph sa pamagngkin na di napigilang mag-init umano nang masilayan si Cedric sa bar…

“Advise ko lang kay Boy2 na relax relax lang… Malalaman din natin ang totoo… Lalabas din naman iyan.”

Nakausap natin si Boy2 sa cellphone kahapon at tumanggi siya magkomento at magsalita pa tungkol.

source: Showbiz Police

No comments