Loading...

Breaking News

Jessica Soho nagbigay ng statement sa kanyang programang State of the Nation with Jessica Soho.

Kaagad na nilinaw ni Jessica Soho ang kumalat na balita na naging bias sya sa pagbabalita ukol sa kinasasangkutan ng Its Showtime host na si Vhong Navarro.

Narito ang naging pahayag nya sa kanyang programang  State of the Nation with Jessica Soho.

Dito po sa State of the Nation kagabi, sa ulat ng aming reporter na si John Consulta, naipuntos ang maikling time interval sa pagdating sa lobby ng condominium ng mga taong sangkot sa kaso ngayon ni Vhong Navarro.

Lumabas din sa aking Q and A o question and answer kay John Consulta na importanteng ebidensiya ang CCTV footage para sa imbestigasyon ng NBI. Nabanggit ko rin na ang CCTV ay tila naaayon sa naunang pahayag ni Vhong Navarro tungkol sa nangyari sa kanya.

Katulad po ng aming pagbabalita sa panig ni Vhong Navarro, ibinabalita rin po namin ang panig nina Deniece Cornejo at Cedric Lee at ang iba pang mga may kaugnayan sa kaso.

Makakaasa po kayo na ang GMA News ay nananatiling walang kinikilingan at patas sa pagbabalita.


 For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments