Loading...

Breaking News

Da WHO: Sa sobrang kamalditahan Controversial Actress tinigbak sa soap!

Hindi lang ang staff ang nabunutan ng tinik nang mawala sa cast ng isang soap ang controversial actress. Nawala rin ng problema ang character actress na kasama rin sa cast at hindi malaman kung bakit pinagtripan siya ng controversial actress.

Umiyak na nagsumbong sa staff ang character actress na pinagmamalditahan siya ni controversial actress. Ayaw daw ni controversial actress sa mukha niya, kaya ganun ang trato sa kanya na para bang wala siyang karapatang maging artista.

May eksenang magkasama ang dalawa at nagulat na lang ang character actress dahil itinulak siya ni controversial actress kahit wala sa script. Nagpasalamat na lang ang una na hindi siya natumba dahil kung nangyari ’yun ay baka nasaktan siya lalo’t may kabigatan ang kanyang timbang.

Okay ang controversial actress ’pag gusto ang mga kaeksena, walang problema ang staff pero ’pag ang character actress na ang kaeksena, nagbabago na ang ugali at nagiging masungit. Nang mawala siya, masaya na ang atmosphere sa taping.

Nanghihinayang tiyak ang controversial actress na maaga siyang naalis sa cast dahil hanggang next year pa ang airing ng soap at baka ma-extend pa.

by: Nitz Miralles of Pilipino Star Ngayon

No comments