Loading...

Breaking News

Marian Rivera matanda na para ipagtambal kay Alden Richards.!!

Tinaasan ng kilay ang artikulo ni Alex Brosas sa tabloid na Bandera partikular na ang fans ni Jessy Mendiola at ni Marian Rivera dahil sa pang-ookray nito sa mga nasabing artista.

Kung pinuri ni Alex si Louise delos Reyes ay kabaliktaran naman ang ginawa nito kay Jessy Mendiola dahil ayon sa kanya ay until now ay hindi parin marunong umarte, na ikinasama ng loob ng mga fans ni Jessy.

Hindi din nakaligtas si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil hayagan nito sinabi ang pangalan ni Marian na Marianita na hindi matanggap ng ilang mga fans.

Kung hindi nyo nabasa ang arikulo mula sa Bandera narito ang kanyang naisulat.

Acting na acting naman si Marianita sa trailer ng soap niya. Medyo may pagkabano pa rin siyang umarte at halata ang agwat ng edad niya sa kanyang leading man na si Alden Richards.

Actually, wala naman silang chemistry dahil mukha silang magnanay. Hindi sila credible tingnan bilang lovers. Matanda na kasi si Marian. Makinis lang ang kanyang kutis kaya hindi nahahalata.

Helllooooooooo! Hindi ba’t mother roles na ang ginagawa niya dati sa ilang soap sa GMA tapos ngayon ipapareha siya kay Alden na parang anak na niya. Think!

Ang chikang umiikot, ang role raw ni Marianita ay isang napakagandang babae na magiging setback o problema pa ang pagiging maganda kaya maghihiganti yata siya sa mga umapi at nanggamit sa kanya.
Parang pinalalabas ng GMA na si Marian ang pinakamagandang artista ngayon, parang ganyan ang kanilang peg.

Naku, baka magalit ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa niyan!
 
source: Bandera
 
 For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments