Loading...

Breaking News

Toni Gonzaga nakipag plastikan kaya inokray ni Eugene Domingo sa The Buzz.!

Naging usap-usapan sa social media ang pagguest kahapon ng comediane actress na si Eugene Domingo not Eugene Dominguez sa The Buzz dahil naging kontrobersyal ito sa mga tsismosang netizens.

Nag guest si Uge para ipromote ang pelikulang “Tuhog” na showing na sa July 17, 2013 totoo kayang ang bulong-bulungan na may hindi pagkakatunawaan sina Eugene Domingo at Toni Gonzaga kaya tinarayan ni Uge at ipinahiya si Toni.

Ang eksena kasi ay habang nagpropromote ay parang may mga birada ang dalawa katulad na lang nag pagpronounce ng 20th Anniversary ay pinansin ni Uge at sey naman ni Toni ganun daw sila sa Taytay.

Habang nagpasalamat na si Toni sa kanyang mga sponsors ay inulit naman nya ang pagpromote ng naturang pelikula hindi naman inaasahan na masabi ni Toni ang pangalan ni Uge na Eugene Dominguez na syang ikinaloka ng komedyante. Kaya naman pinatutsadahan ni Uge ang kapamilya actress/tv host na si Toni Gonzaga sa kanyang pagkakamali at sey ni Uge bagay si Toni sa kanyang sponsor na Tuperware at humalakhak ang studio audience sa binitiwan ng komedyante.

Mukhang may namumuong tensyon sa pagitan nila Eugene Domingo at Toni Gonzaga kaya naman niresbakan ng ilang fans ni Toni ang komedyante sa ginawa sa kanilang idolo.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com
Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments