Loading...

Breaking News

Juan dela Cruz balak ng tapusin para bigyan daan ang kiligserye “Got to Believe”

Dahil nga sa naudlot ang pag airing ng pinakabagong kiligserye na mapapanuod sa primetime ito nga yung  Got to Believe na pinagbibidahan nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay balitang minamadali na ang pagtatapos ng Juan dela Cruz.

Atat na atat na ang mga kathniel fans kaya kung hindi pa diumano ito ipapalabas sa lalong madaling panahon ay ibo-boycott nila ang ilang programa sa kapamilya network.

Nagsimula nuong february 4 ang aswang serye na Juan dela Cruz at ayon sa nakuha naming scoop hanggang august na lang diumano ito lilipad sa ere, kung sa august talaga ito balak tapusin ibig sabihin naka dalawang season ito o katumbas ng anim na buwan. Isinisi kasi ng ilang netizens ang abs-cbn kung bakit naiplug pa ito sa kanilang istasyon na gayun may kakulangan pang mga eksena ang naturang serye.

Dapat ay ngayong July ito ipapalabas pero mas nauna pang ipalabas ang Muling Buksan ang Puso kaya inulan ng batikos ang network,  ang kiligserye Got to Believe ay pambata ang tema kaya nararapat ito ilagay pagkatapos ng TV Patrol isa pang kakulangan ay ang mapaglagyan ng naturang timeslot dahil maraming mga programa ang umeere sa primetime bida.

Ano kaya ang magiging desisyong ng dos sa isyung ito balak na ba talaga nilang tapusin ang Juan dela Cruz at bigyang daan ang Got to Believe o kaya magagawan nila ng paraan para maisingit sa ibang timeslot ang naturang kiligserye so pano na ang serye ni Juday mauusog na naman?

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments