Loading...

Breaking News

JC de Vera magiging kapamilya na, gaganap ito bilang si Captain Barbell.!?

Totoo kaya ang tsika na kumakalat ngayong na balak ng tumalon sa ibang bakuran ang kapatid hunk actor na si JC de Vera dahil nag-expired na ang kanyang kontrata sa happy network.

Bukod sa wala na itong kontrata sa kapatid network ay nagtapos na pala ang kontrata nya kay Annabelle Rama ito yung manager nya kaya naman usap-usapan sa mga forum na balak nitong lumipat sa kapamilya network, may tsika kasing ginigipit diumano at hinaharang ang kanyang proyekto sa singko dahil nasa singko na ang isang lady boss na galing sa makulay na network.

Ayon naman sa tsika kapag naging kapamilya na diumano itong si JC de Vera ang isa sa mga proyektong gagawin nya ay ang fantaserye Captain Barbell na kung matatandaan ay ginampanan ito ni Richard Gutierrez sa kapuso station. Aba kung totoo nga ang tsikang ito hindi na mahihirapan maghanap ang ABS-CBN na gaganap na Captain Barbell dahil bagay naman kay JC na maging isang superhero.

Abangan pa ang ibang detalye sa isyung ito sa mga susunod na araw dito lang sa Kakulay Blog.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments