Loading...

Breaking News

Diego Loyzaga, Kiko Estrada at Julia Barretto magsasama sa teleserye “Mira Bella”

Wala kami naisulat sa pagkakaudlot ng Cofradia ito sana ang upcoming teleserye ni Julia Barretto na naudlot at may tsika pa nga na dahil sa MMK episode nya na ipinalabas nung nakaraang linggo dahil sa mababa nitong ratings ay hindi na matutuloy ang serye.

Sa lumabas na mga tsismis na kesyo poor ratings ang MMK episode nito ay pinagtawanan lang namin ito dahil hindi ata nila alam kung bakit at ano ang dahilan sa pagkakaudlot ng naturang serye, so mali po ang kumalat na tsismis at nauto naman kayo nito.

 Pinulsuhan muna ito ng kapamilya network online at base sa mga netizens hindi bagay kay Julia ang gumanap bilang si Cofradia dahil nga sa kanyang balat na super kinis na hindi aakma sa katauhan ni Cofradia. Kaagad naman humanap ang abs-cbn na titulo na aakma kay Julia Barretto sa kanyang big break  teleserye at ito nga ang  “Mira Bella” na malapit ng simulan.

Buhis buhay naman ito sa kapamilya network dahil mga bagitong artista ang bibida sa “Mira Bella” at ito nga ang malaking break na ibibigay ng dos para kay Julia Barretto. Kasama dito ang ka-loveteam nuon ni Kathryn na si Diego Loyzaga at si Kiko Estrada na nakilala at pinag-usapan ang kanyang paggganap sa MMK episode kasama si Julia Montes.

Bagong usbong na mga loveteam ang titilian sa upcoming teleserye na “Mira Bella” abangan sina Diego Loyzaga, Kiko Estrada at Julia Barretto sa kanilang malaking break sa telebisyon ipapalabas diumano ito sa Primetime Bida.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments