Loading...

Breaking News

Sam Pinto hindi sumipot para ipasa ang korona kay Marian Rivera bilang pinaka seksing pinay.

Taong 2011 at 2012 hawak ni Sam Pinto ang korona bilang pinaka seksing pinay sa isang panlalaki na magazine na ginaganap taon-taon kaya naman naging kontrobersyal ang kanyang hindi pagsipot sa victory party ng FHM.

Nakatakda sana ipasa ni Sam Pinto sa kanyang kapwa kapuso sexy actress na si Marian Rivera ang titulong FHM PH’s Sexiest Women pero hindi ito nasilayan dahil hindi nya sinipot ang koronasyon para ipasa ang nasabing titulo.

 Totoo kaya ang tsika na hindi tanggap ni Sam Pinto ang pagkatalo nya para hirangin sya ulit na pinaka seksing pinay at napunta nga ito kay Marian Rivera, nasa listahan daw ito sa mga rarampa pero ni anino ni Sam Pinto ay hindi nakita sa victory party, mukhang may galit pa ata ito kay Marian dahil matatandaan ay may isyu silang kinaharap nuon.

Pero ayon naman sa report hindi diumano nakasipot ang kapuso sexy star na si Sam Pinto ay dahil naging busy ito sa kanyang ginagawang commercial, tila maraming netizens ang nagtaas ng kilay sa lumabas na palusot at hindi ito makatarungan sa mga fans ni Marian Rivera dahil hindi manlang nito ipinasa ang naturang titulo ano pa’t naglabas sila ng pera para sa naturang online poll.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments