Loading...

Breaking News

Matandang tinalakan ni Marian Rivera nagsalita na, hirit nito ayaw na nya manuod ng show ni Marian.

NAKAUSAP NAMIN ang diumano’y matandang natarayan ni Marian Rivera sa taping ng Celebrity Bluff na si Raffy na 51 years old nang lumapit ito sa amin at nagpakilala na siya raw ang senior citizen na natalakan ng Primetime Queen ng GMA na aming nasulat dito sa Pinoy Parazzi ilang araw na ang nakalipas.

Pagpapatotoo ni Raffy, “Ako po si Raffy, ‘yung sinulat n’yong matanda na tinarayan ni Marian sa taping ng kanyang dance show nu’ng minsang pumunta ako du’n at nanood.

“Hindi naman ako pupunta du’n kung hindi nagkaroon ng reunion ang Sexbomb. Idol ko kasi sila kaya pumunta ako roon at minsan lang kasi sila makukumpleto.”


Dagdag pa nito, “Natural lang na tumili ako nang malakas sa Sexbomb dahil number 1 fan nila ako noon pa man na nagsisimula sila. Pero hindi ko inaakala na mamasamain ni Marian ang malakas kong pagtili sa mga idolo ko.

“Ilang beses niya rin akong nilapitan. Una sabi niya, ‘Kilala kita lagi kang nasa mga shows ng GMA 7’ na sinagot ko naman ng ‘oo’ at bigla siyang umalis.

“Pangalawang lapit niya, nagsalita siya sa akin ng ‘Hindi mo naman ako tinitilian baka gusto mo, ipakuyog kita sa mga fans ko’. Na ikinatakot ko na, kasi marami ang fans niya na naroroon kaya hindi na lang ako tumili at tumahimik na lang hanggang sa matapos ang show. Kasi baka totohanin nga niya na ipakuyog ako sa kanyang fans sa tanda kong ito.

“Pero may fans ito na lumapit sa akin at nagsabing mabait naman daw si Marian, basta tilian ko nang malakas.

Pero hindi ko magawa dahil maka-Angel Locsin ako, kaya mas pinili ko na lang na manahimik kaysa tilian ko siya. At na hurt na rin ako dahil sa marami ang nakakita at nakarinig nang talakan niya ako.”

Nangako si Raffy na hinding-hindi na muling manonood pa ng Marian, para hindi na raw maulit pa ang pagtataray na ginawa sa kanya ni Marian.

Mas gugustuhin na lang daw nitong manood ng ibang shows ng GMA dahil certified supporter daw siya ng mga shows ng Kapuso Network.



Written by: John Fontanilla/Pinoy Parazzi

8 comments:

  1. Grabe siya. Tutuo talaga siguro yung mga sabi2 na masama ugali niya

    ReplyDelete
  2. weeeeeeeeeeeh! ano to joke!!!

    ReplyDelete
  3. sinungaling kang matanda ka pweee!!!!

    ReplyDelete
  4. Madami na talaga siyang kaaway sa GMA. GMA lang ang my alam na queen siya. Hahahaha feeling royal blood hahahah

    ReplyDelete
  5. Kahit mga cheap na brands pinapatulan niya na para magkaruon lang ng endorsements hahhaha SKK mobile

    ReplyDelete
  6. palengkera kasi xa.hahahahaha

    ReplyDelete
  7. Ouch!!!! Madami daw naka kita eh

    ReplyDelete
  8. para sa writer: halatang halata ang galit mo kay MR ah..wag mo ibaba ang sarili sa ganyan kababang level na halos humalik kana sa lupa para mapansin ni MR..yun lang.

    ReplyDelete