Loading...

Breaking News

Teleserye pagsasamahan nila Claudine Barretto at Jasmine Curtis-Smith sa Kapatid Network kasado na!

Pagkatapos ng  Etiquette for Mistresses na ginawa ni Optimum Star Claudine Barretto sa Star Cinema may maagang regalo ito para sa kanyang mga fans na dapat pakaabangan sa 2016.

Good news ito para sa mga fans ni Claudine Barretto na naghinintay na magkaroon ng isang teleserye ang kanilang idolo dahil kasado na ang isang bigating teleserye handog ng TV5.


Certified "Kapatid".na nga si Ms.Claudine Barretto at isa siya sa mga big star ng Happy Network na aabangan sa susunod na taon.

Kasama ang manager nya na si boss Vic del Rosario ngayong araw Nobyembre 16 ang meeting nila Claudine Barretto sa TV5.

Ikakasa na nga ang bigating serye na pagbibidahan nila Claudine Barretto at TV5 Princess na si Jasmine Curtis-Smith na tiyak pag-uusapan sa 2016.

Balitang makakasama nila Claudine at Jasmine ang Kapatid Hunk Actor na si Derek Ramsay at kung hindi magkaroon ng problema makakasama din nila dito si Cesar Montano.

Sa ngayong wala pang title ang kanilang teleserye at mukhang ang Viva Entertainment ang mamahala nito.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments